PRUDENTIALIFE PLANS INC. NANG-ESTAFA NGA BA?
Remate, Ang Diaryo ng Masa
By Johnny Magalona, Nov 1, 2009
PRUDENTIALIFE PLANS INC. NANG-ESTAFA NGA BA?
CIVIL CASE ang kasong isinampa ng isang anak ng planholder ng Prudentialife Plan Inc. sa Metropolitan Trial Court, Muntinlupa.
Ito ay matapos na mabigo ang Pre-Need company na bigyan ng burial services ang planholder nito na nakasaad sa kanilang kontrata. Sa reklamo ni Edmundo Las, anak ng namatay na planholder na si Juanita Guevarra Las, inabisuhan siya ng Prudentialife Plans noong Oktubre 2008 na mag-upgrade ng plan dahil gusto niyang metal casket ang para sa kanyang ina. Pumirma umano sa upgrade contract ang batang Las gamit ang Pre-Need application form No. U-6731-57 noong Nov. 20, 2008 sa tulong ng kanyang secretary na si Immaculate Catacutan.
Ipinadala umano ang bagong aplikasyon kasama ang Original Policy Contract No. 109266 sa pamamagitan ng LBC kasama ang payment na P165 bilang administrative cost.
Noong Dec. 16, 2008 nagpunta si Catacutan sa opisina ng naturang Pre-Need Plan sa Makati City upang bayaran ang P82,813.00 para sa upgrade plan, kasama ang P250.00 para sa administrative fee sa bagong kontrata na may amount na P115,606 at binayaran din ang old payment na P32,793.00.
Pagkabayad ay agad binigyan ng bagong policy contract ang batang Las na may petsang Dec. 16, 2008, kasama ang certificate of full payment. Kaya noong Dec. 31, 2008 namatay si Juanita dahil sa pneumonia, kaya agad namang inabisuhan ni Edmundo sa pamamagitan ng telepono ang Pre-need plan at agent nitong si Grace Galang.
Ang masakit nito ay sinabihan pa siya ng Prudentialife na dalhin niya ang labi ng kanyang ina sa Arlington Memorial Chapels Inc.
Posted at 09:35 pm by alphabeta999
Permalink
BURIAL SERVICES NG PRUDENTIAL, AYAW BAYARAN
Remate, Ang Diaryo ng Masa
By Johnny Magalona, Nov 2, 2009
BURIAL SERVICES NG PRUDENTIAL, AYAW BAYARAN
IPAGPATULOY natin ang reklamo ng anak ng isang namatay na planholder ng Prudentialife Plans Inc.
Pagkasabi ng Prudentialife kay Edmundo Las na dalhin sa Arlington Memorial Chapels, Araneta Ave., Quezon City ang labi ng kanyang ina ay kaagad niya itong ginawa.
Inabot daw ng 6pm si Edmundo sa paghihintay ngunit wala raw ni isang ahente ng kompanya ang sumipot kaya walang choice ang claimant kundi bumili ng metal casket mula sa Arlington at makipagkontrata na lang sa serbisyo dahil magsisimula na ang lamay. Gumastos si Edmundo Las ng P241,500 sa casket at serbisyo sa labi ng kanyang ina. Tumagal ang burol mula Dec. 31, 2008 hanggang Jan. 4, 2009. Pero wala ni isang ahente ng Prudentilife ang lumutang sa lamay upang makipag-usap o dumalaw man lang sa kanilang namatay na kliyente.
Nailibing noong Jan. 4, 2009 si Juanita sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque pero wala pa rin ni isa ang nakikipag-usap na ahente o empleyado ng kompanya. Kaya pagkalibing ng ina ni Edmundo ay muli niyang tinawagan ang ahente ng Prudentialife na si Grace Galang upang ma-refund ang kanyang nagastos sa hindi nagamit na memorial plan. Nagtaka si Las nang i-reject ang kanyang demand at sinabi na labag daw ito sa kanilang company policy.
Bunga nito ay kaagad na kinausap ni Edmundo ang kanyang abogado na agad namang gumawa ng demand letter na tinanggap ni Galang noong Jan. 26, 2009.
Sa halip na ayusin ng Prudentialife ang nakasaad sa demand letter ay tinanggihan pa rin nito na bayaran ang refund ng premium o i-settle ang obligasyon. Hindi po ba karapatan ng plaintiff na makuha ang premium na binayaran nito para sa upgrade plan?
Posted at 09:36 pm by alphabeta999
Permalink
PRUDENTIALIFE SABLAY SA BURIAL SERVICE
Remate, Ang Diaryo ng Masa
By Johnny Magalona, Nov 4, 2009
PRUDENTIALIFE SABLAY SA BURIAL SERVICE
DAPAT na sigurong tanggalan ng lisensya ng Securities and Exchange Commission ang Prudentialife Plans Inc. dahil sa hindi nito naibigay ang obligasyon na dapat na makuha ng kanilang mga planholder. Kailangan na rin sigurong busisiin ang pamunuan ni Insurance Commission Com. Eduardo Malinis ang pambabalasubas ng Prudentialife Plans sa kanilang mga planholder.
Hindi ko sinasabi na walang kasiguruhan ang magpa-insure sa naturang Pre-Need company dahil hindi nila natutugunan nang maayos ang kanilang mga obligasyon batay sa mga nakasaad sa kontrata na pinirmahan ng kanilang mga planholder. Kagaya na lang sa nagyari sa isa sa mga namayapang planholder nito na si Juanita Las na nabigong makuha ng anak nitong si Edmundo Las ang burial sevices ng ina matapos na mag-claim siya sa Prudentialife Plans.
Imagine, nagbayad pa naman ng P115,606 si Edmundo sa life insurance ng kaniyang ina sa pag-aakala niya na mabibigyan ng maayos at magandang serbisyo ang kaniyang ina.
Pero nang mag-claim siya sa burial services ng ina ay di tinupad ng Prudentialife ang nakasaad sa kontrata. Sayang lang ang ginawang pagpapa-insure ni Edmundo sa kaniyang ina dahil sa nagtiis siya sa paghuhulog sa life insurance ng ina pero nang kailanganin na niya ang burial services na binayaran nito sa Prudentialife Plans ay biglang kumambiyo ang huli sa pagsasabing labag daw ito sa kanilang company policy. Kung di ba namang isang katarantaduhan ang mga pinaggagawa ng Prudentialife Plans na ‘yan. Matapos na magtamasa sila sa perang inihuhulog ng kanilang mga planholder, di nila ibibigay ang serbisyong nakasaad sa kontratang kanilang ibinibenta sa planholder.
Posted at 09:37 pm by alphabeta999
Permalink
ANO ANG KATOTOHANAN SA DI PAGBAYAD NG OBLIGASYON?
Remate, Ang Diaryo ng Masa
By Johnny Magalona, Nov 6, 2009
ANO ANG KATOTOHANAN SA DI PAGBAYAD NG OBLIGASYON?
SA PAGPAPATULOY sa ginagawa nating pagbubulgar sa kaliwat-kanang ginagawang panloloko ng Prudentialife Plans Inc. sa kanilang mga plan holder.
Nakakapagtaka kasi kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umaaksiyon at ipinapasara ni Security Exchange Commission (SEC) Comm. Jesus Enrique Martinez ang naturang Pre-Need Company?
Anong mayroon na namamagitan mula sa Prudentialife Plans at sa SEC. Hindi ko sinasabi na nababayaran ng Prudentialife ang mga “a-nay” na namamahay sa SEC kaya hanggang ngayon ay patuloy na namamayagpag ang naturang life insurance.
Imagine, nasa P3.6 B ang deficiency ng Prudentialife sa kanilang trust fund simula noong March 2008.
Pero bakit hindi nila matugunan ang kanilang obligasyon na dapat na matanggap ng kanilang planholder.
Bakit hindi busisiin lalo na ng Insurance Commission sa pamamahala ni Comm. Ed Malinis kung talagang wala ngang kakayahan na magbayad ang Prudentialife sa kanilang mga planholder.
Hindi lamang kasi ang pamilya ng Las ang nakakaranas ng ganitong uri ng pambabalasubas ng Prudentialife sa kanilang mga planholder.
Marami pang mga planholder ang nagpapabalik-balik sa tanggapan ng Prudentialife para mag-claim ng kanilang kontratang pinirmahan.
Sa totoo lang marami ang nagtitiwala sa Prudentialife Plans dahil sa 31 yrs na serbisyo nito sa kanilang mga kliyente pero bakit tila nagkakawendang-wendang na ang kanilang operation.
Bakit hindi nila natutugunan ang mga obligasyon na dapat na matanggap ng kanilang mga planholder.
Dapat na rin siguro na ilantad ng Prudentialife ang tunay na nangyayari sa kanilang kompanya para malaman ng mga planholder ang katotohanan kung bakit hindi nila nababayaran ang mga kliyente nito.
Posted at 09:38 pm by alphabeta999
Permalink